Ruru Madrid umaming na-depress sa pamba-bash ng mga netizen
INAMIN ng Kapuso young actor na si Ruru Madrid na apektado siya sa pamba-bash sa kanya ng mga netizen. Talagang nade-depress daw siya kapag nakakabasa ng mga panlalait sa kanya.
Kabilang na nga rito ang mga komento ng bashers nang mapunta sa kanya ang role na Ybarro sa Encantadia, “Sobra po ako na-depress, pero mas pinili ko po na, kumbaga, i-take siya in a positive way. “Parang sabihin ko sa sarili ko na, ‘I-bash niyo lang ako, ayan yung magpapalakas sa akin para lalo akong magpursigi dito sa role na ito, mas lalo ko maipakita sa inyo na deserve ko itong role na ito,’” paliwanag ni Ruru.
May nagkomento na hindi raw bagay sa kanya ang nasabing role dahil hindi raw ganu’n kaganda ang katawan niya kung ikukumpara kay Dingdong Dantes na siyang unang gumanap na Ybarro. Pero nang ilabas na raw ang full trailer ng Encantadia kung saan ipinakitang nakikipaglaban siya with costume, mas marami na raw ang pumupuri sa kanya.
“Pag-check ko, yung trending na Ybarro, wala na yung bash. Hindi na siya katulad ng dati. Noong time lang po na yun medyo nalungkot ako. Pero ngayon, sige bash lang, ite-take ko siya in a positive way,” paliwanag ng binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.