PH Embassy sa France minomonitor kung may Pinoy na nadamay sa pag-atake gamit ang trak sa Nice | Bandera

PH Embassy sa France minomonitor kung may Pinoy na nadamay sa pag-atake gamit ang trak sa Nice

- July 15, 2016 - 06:14 PM

France-Truck-Attack_Inte

SINABI ng Philippine Embassy sa France na minomonitor pa nito ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Nice City, France matapos ang pag-atake gamit ang isang trak kung saan 80 katao ang napatay.

“We have not received report of any Filipino among those injured,” sabi ni Foreign Affairs spokesperson Charles Jose.

Sa isang panayam, sinabi naman ni  consul general Aileen Mendiola Rau na hindi pa ipinalalabas ng crisis committee ng French government ang mga pangalan at nationality ng mga nasawi.

“Wala pang ibinibigay na names and nationalities ang French gov’t crisis committee ng mga fatality… Maya’t maya tinatawagan ko ang crisis committee at promise nila sa akin na as soon as mayroon na silang confirmed list, ibibigay nila,” sabi ni Rau sa panayam ng DZMM.

“Ine-expect din natin na may mga Pilipino sa labas pero sana wala doon sa lugar na pinangyarihan,” dagdag pa ni Rau.

Sinabi ni Rau na daan-daang Pinoy ang nasa Nice, karamihan ang mga kasambahay.

Tinatayang 80 ang namatay matapos ang pag-atake ng trak sa mga nanonood ng firework display para sa Bastille Day celebration.

Pinalawig na ni French President Francoise Hollande ang state of emergency sa bansa ng tatlong buwan at kinondena ang nangyaring terorismo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending