Young actor manang-mana sa tatay pagdating sa babae
MAY pinagmanahan talaga ang isang makisig na young actor. Ang kanyang itsura, ang kanyang tindig, ang pagiging malambing niya at marami pang ibang katangian, lahat ‘yun ay kuhang-kuha ng batang aktor sa kanyang ama.
Nu’ng kabataan pa ng kanyang tatay ay parang nananalamin ang young actor dahil pareho silang guwapo. Maraming pinaibig ang kanyang ama, maraming becking nagkagulo nu’n sa kanyang tatay, malambing at mabait kasi ito sa lahat.
Kuwento ng aming source na nakasubaybay sa career ng bagets actor, “Para siyang anino ng tatay niya sa kaguwapuhan. Mabait din ang bagets, magaling makisama, talagang plakado niya ang tatay niya. “Maraming nagkakagusto sa bagets dahil una, alam niyang ilugar ang sarili niya, parang tatay niya rin siya na hindi epal. Simple lang sila.
“Pero ang pinakalutang na pagkakapareho nila, e, pagdating sa pakikipagrelasyon. Hindi sila makapagtago ng nararamdaman nila. They’re both in-love with love. “Kapag may karelasyon sila, hindi man nila ‘yun inaamin nang diretso, e, mararamdaman mo ‘yun. Hindi sila marunong magtago, sinasabi nila ang nararamdaman nila. Magtatay nga sila,” pagpansin ng aming source.
May mahal ngayon ang bagets actor, isang young actress na nakasama niya sa isang serye, madalas na silang mag-date ngayon at mahal niya ang batang aktres. “Very open siya sa feelings niya para sa young actress, hindi niya sinasabing sila na, pero alam mong inspirasyon niya si ____ (pangalan ng magaling umarteng batang aktres).
“Huwag sanang magbago ang ugali ng bagets actor, maging parang tatay niya sana ang ugali ni bagets, hindi maangas, marunong makisama, kahit pa dala-dala nila ang apelyido ng isang actor-politician na pagkalaki-laki ng pangalan,” wish pa ng aming impormante. Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong sapul n’yo nang dalawa kung sino ang magtatay na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.