Kris tuloy na ang muling pagdakdak sa TV; Loyalty sa ABS-CBN buong-buo pa rin | Bandera

Kris tuloy na ang muling pagdakdak sa TV; Loyalty sa ABS-CBN buong-buo pa rin

Cristy Fermin - July 14, 2016 - 12:25 AM

kris aquino

TAMA ang bulong ng aming source na isinulat din namin sa kolum na ito. Hindi kakabilang-bakod si Kris Aquino, sa ABS-CBN pa rin siya magtatrabaho, bilang ng taon na lang ng kanyang kontrata ang pinaplantsa at sasalang na uli siya sa harap ng mga camera.

At nu’ng isang araw nga ay natuloy na ang pakikipag-usap ni Kris sa mga ehekutibo ng Dos. Siya pa mismo ang nagbalita nu’n sa kanyang IG account. Excited na ikinuwento ng aktres-TV host sa kanyang mga tagasuporta na makikipag-usap na siya sa mga executives ng ABS-CBN. Sana raw ay samahan siya sa pagdarasal ng kanyang mga tagahanga na maging maayos ang kanilang pag-uusap.

Tumawag uli ang aming source, “Kita mo? Hindi kuryente ang ibinalita ko sa iyo nu’n na walang kaplanu-planong lumipat ng ibang network si Kris, di ba? “Wala talaga, as in, hindi niya ikino-consider ang pagtatrabaho sa ibang istasyon, guesting lang ang ginawa niya sa show ni Marian (Rivera), tumupad lang siya sa kanyang pangako,” paalala ng aming kausap.

Siguradong babalik na nga sa telebisyon si Kris Aquino, matatapos na ang pagka-miss ng kanyang mga fans sa maingay na aktres-TV host sa umaga, kumpleto na naman ang kanilang maghapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending