Regine: Hindi pera-pera ang labanan sa mundo! | Bandera

Regine: Hindi pera-pera ang labanan sa mundo!

Ervin Santiago - July 14, 2016 - 12:35 AM

regine velasquez

NGAYONG Biyernes (July 15), magwawakas na ang well-loved romantic comedy series ng GMA 7 na Poor Señorita starring the and only Asia’s Singbird Regine Velasquez.

Bukod sa pagiging hit nito sa mga netizens na talagang tumutok sa riches-to-rags na life story ng bida nitong si Rita, hatid din ng programa sa mga manonood ang aral tungkol sa tunay na kaligayahan. Sa katunayan, ibinahagi ni Regine na hindi lang pagpapahalaga sa pera ang nabigay sa kanyang aral ng Poor Señorita kundi nakabuo rin sila ng isang masayang “pamilya”.

“Now that we’re nearing the finish line of the program, isa sa pinakamasayang nangyari sa amin is hindi lang team ang nabuo namin kundi family—from the writers, staff, co-actors, lalo sa mga batang lagi kong kaeksena.

“Dito sa show, the lesson we are trying to impart to everyone is that money is not everything. Don’t let it drive you to become selfish. And indeed, it helped me realize that more than the money, it is the good people around you that’s going to give your life more meaning,” sabi ni Poor Señorita herself.

Ngayong nalalapit na ang kanilang pagtatapos, magkaroon kaya ng isang masaya at kumpletong pamilya sina Rita at ang mga batang itinuring na niyang mga tunay na anak? Abangan ang inspiring finale ng Poor Señorita ngayong Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. Kasama pa rin dito sina Snooky Serna, Valeen Montenegro, Jaya, Kevin Santos, Sheena Halili at marami pang iba, directed by Dominic Zapata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending