MAY panukala na pagbawalan ang mga congressmen na gumamit ng plakang “8” sa kanilang mga sasakyan.
Bakit mga congressmen lang?
Bakit hindi lahat ng matataas na opisyal ng gobiyerno—magmula sa Pangulo pababa sa court judge?
Bago siya nakapagpanumpa bilang Pangulo, sinabi ni Rodrigo “Digong” Duterte sa inyong lingkod na hindi niya papayagan ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na maglagay ng “6” license plate sa kanilang kotse.
Pahambug lang na (Kayabangan lang yan),” sabi ni Digong na noon ay Davao City mayor nang ako ay nakipagkita sa kanya sa kanyang simpleng tahanan sa middle-class subdivision sa lungsod.
Sabi ni Mano Digong hindi niya puwedeng pagbawalan ang mga kongresista at mahistrado na mag-display ng kanilang protocol license plates dahil sila’y mga miyembro ng ibang sangay ng gobiyerno.
Ang presidential car ay nagdadala ng number “1” license plate; ang Vice President, “2”; ang Senate President, 3; Speaker of the House, 4; Chief Justice, 5; Cabinet Secretary, 6; Senator, 7; Representative, 8; Associate Justice of the Supreme Court, 9.
Presiding Justice at ibang justices ng Court of Appeals, 10; Chairman ng Commission on Elections, 11; Cabinet Undersecretary, 12; Solicitor General, 13; Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines and Chief of the Philippine National Police, 14; Regional Trial Court Judge, 16; Metropolitan Trial Court Judge at Municipal Trial Court Judge, 17.
Kung siya ang masusunod, ayaw ni Mano Digong na magkaroon ng “1” license plate sa presidential car.
“Pero protocol kasi na ang presidential car ay may number “1” na plaka,” sabi ni Mano Digong.
Sinabi rin ng noon ay Davao City mayor pa at di pa nakapag-take oath bilang Presidente na aatasan niya ang kanyang mga Cabinet members na sumakay ng Toyota Avanza, isang simpleng kotse.
qqq
Walang kayabang-yabang si Digong sa kanyang pagkatao.
Noong siya’y Davao City mayor, ang kanyang sasakyan ay pickup truck at minamaneho niya ay taxi upang humanap ng mga kriminal at mga pulis na wala sa kani-kanilang mga puwesto.
Kamakailan lang, sumakay si President Digong ng commercial flight patungong Davao .
Nakaupo siya sa economy class.
Bago siya pumasok ng airport terminal at sa pre-departure area, nagpakapkap siya sa security check sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ganoon din ang pagpapakumbaba ni Vice President Leni Robredo.
Bago si Ma’am Leni nakapagpanumpa bilang Vice President, sumakay siya ng bus patungong Bicol.
Dapat tularan ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa sa kanilang pagpapakumbaba at simpleng lifestyle.
qqq
Kung kayo’y may nakikitang isang kawani ng gobiyerno na nagsusugal sa casino at may ostentatious lifestyle, ireport ninyo sa “Isumbong mo kay Tulfo.”
Ang aming hotline ay 0998-792-6304 o sa mga landlines na may numerong 470-17-50 at 451-24-02.
O sumulat kayo sa aming email address: [email protected].
Makakaasa kayo na hindi namin ibubunyag ang inyong pangalan.
Of course, we will check the accuracy of your information and, if it is accurate, ibibigay namin sa kinauukulang opisina ng gobiyerno.
Huwag kayong magbibigay ng maling impormasyon dahil mapapahiya o malilintikan lang kayo.
Expert kami sa pagchi-check ng inyong info.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.