Maine inulan ng papuri nang mag-anchor sa Chika Minute
PURO papuri ang natanggap ni Maine Mendoza matapos siyang maging guest anchor sa 24 Oras ng GMA 7 para sa Chika Minute segment last Monday. Siya ang nag-intro para sa ulat ni Cata Tibayan tungkol sa update about her movie with Alden Richards “Imagine You And Me”.
Inulan ng magagandang komento mula sa netizens si Maine matapos ang nasabing segment. Ayon sa ilang AlDub fans kering-keri na ni Maine ang pagiging anchor o host. “Natural na natural si Menggay! Sana sya na ang pumalit kay Iya Villania pag nag-leave na sya para manganak!” sey ng isang AlDub supporter.
Kahit si Alden ay puring-puri ang dalaga, “Ang galing nga, e, actually kanina nu’ng ni-rehearse niya one take lang!’ He continued, ‘Nasanay na rin siya siguro siya every day sa Eat Bulaga, yung hosting. ‘Sponge’ na, e!” sey ng Pambansang Bae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.