'Drug generals' minomonitor ng BI | Bandera

‘Drug generals’ minomonitor ng BI

- July 10, 2016 - 07:14 PM

pagdilao-tinio-diaz

IMO-MONITOR ng Bureau of Immigration (BI) ang galaw ng limang heneral ng Philippine National Police na iniugnay ni Pangulong Duterte sa iligal na droga.
Ayon kay Tonette Bucasas-Mangrobang, tagapagsalita ng BI, inatasan na ang lahat ng mga immigration officer sa lahat ng mga pantalan at paliparan sa buong bansa na pairalin ang “departure protocols.”
Sinabi ni Mangrobang na gaya ng ibang mga umaalis ng bansa, kaila-ngang mayroong travel authority ang limang heneral.
Pero agad nilinaw ni Mangrobang na walang pang Hold Departure Order (HDO) na iniisyu ang BI sa mga opisyal.
Noong nakaraang linggo, inakusahan ni Duterte sina Deputy Director General Marcelo Garbo Jr., dating National Capital Region Police Office chief Director Joel Pagdilao, Western Visayas regio-nal director Chief Supt. Bernardo Diaz, Quezon City Police District director Chief Supt. Edgardo Tinio, at retired police general Vicente Loot na mga protektor ng droga sa bansa.
Samantala, kinumpirma ng BI na hinahanap nila si Peter Lim, na pinangalanan ng Malacañang bilang isa sa mga top drug lords sa bansa.
Isiniwalat ni Mangrobang na hindi bababa sa 4,000 katao ang may pangalan na Peter Lim sa kanilang database.
Nagpapatulong na aniya sila sa PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paghahanap kay Lim.
Ani Mangrobang, kailangan nila ng karagdagang detalye sa pagkakakilanlan kay Lim upang maging basehan sa paghahanap ng travel records at mamonitor ang pagpasok o paglabas nito sa bansa.
Si Lim ang isa sa tatlong pinakanotoryus na top drug lords sa bansa. Siya ang namumuno sa drug trade sa Visayas.
Ang dalawang iba pa ay sina Wu Tuan alyas Peter Co at Herbert Colangco alyas Ampang, kapwa nakakulong sa New Bilibid Prison.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending