Daniel bagay maging Lastikman, pwede ring magbida sa ‘Super D’
BALAK palang ibigay ng isang direktor kay Daniel Padilla ang ikalawang TV remake ng classic Mars Ravelo Pinoy komiks superhero na “Lastikman.”
Ayon kay direk Frasco Mortiz, si Daniel daw ang first choice niya para gumanap na Lastikman sa muli nitong pagbibida sana sa telebisyon na unang ginampanan sa TV ni Vhong Navarro.
Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment media si direk Frasco sa last taping ng Kapamilya action-fantasy series na My Super D ni Dominic Ochoa, at dito nga niya naikuwento ang pagsasalin sa telebisyon ng pelikulang “Lastikman”.
Tinanong kasi namin si direk kung payag ba siyang gawing pelikula ang Super D kapag natapos na ito sa TV, tugon ng direktor, “Oo naman, that’s another big challenge. Kasi napakarami pang pwedeng hugutin sa kuwento ni Super D, pwedeng ipasa sa iba ang powers niya. Meaning, iba naman ang magpapatuloy sa misyon niya.”
Sundot na tanong namin, baka pwede si Daniel dahil D rin naman ang initial niya tulad ni Dominic.
“Kung papayag si DJ na mag-superhero, why not? Pinu-push ko kasi siya nu’ng una, Lastikman siya eh.
Hindi ko lang alam kung papayag siya ngayon. Pero feeling ko naman depende sa concept,” esplika ni direk Frasco.
Sey pa ng direktor, kung natuloy ang TV version ng “Lastikman” baka siya ang nagdirek nito dahil nakapag-submit na sila ng storyline para rito, “Si DJ nga dapat. Nu’ng time na ‘yon teen na teen pa siya.
Eh ngayon nag-iba na, nag-mature na siya. Gagawa siya ng movie with Inang (Olive Lamasan) so mag-iiba ang landscape, mag-iiba ang kuwento. So hindi ko lang alam kung pwede pa din ‘yung ganoong kuwento na medyo maloko.
“Sa lahat ng Ravelo characters kasi, si Lastikman lang ‘yung pwede mong laruin,” dagdag pa nito.
Nauna nang gumanap na Lastikman sa pelikula sina Vic Sotto at Mark Bautista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.