Jennylyn binantaan ng mga fans nina Alden at Maine; GMA 7 iboboykot daw | Bandera

Jennylyn binantaan ng mga fans nina Alden at Maine; GMA 7 iboboykot daw

Cristy Fermin - July 07, 2016 - 12:01 AM

jennylyn mercado at aldub

SABI ng kaibigan naming propesor ay parang pigsa raw ang mga miyembro ng AlDub Nation. Malayo pa ang karayom ay pumuputok na. Hindi pa man nangyayari ang mga plano ay nagkokontrahan na agad at nagsisipagbanta.

Sa pagpirma ng bagong kontrata ni Jennylyn Mercado sa GMA 7 ay napabalitang may gagawin silang serye ni Alden Richards. Plano pa lang ‘yun ng network, wala pang katiyakan kung matutuloy nga, pero nag-alsahan na agad ang ibang matatapang mang-bash na miyembro ng AlDub Nation.

Una, hindi raw dapat itambal si Alden kay Jennylyn, si Maine Mendoza lang daw dapat ang ipareha sa Pambansang Bae dahil sila naman talaga ang magka-loveteam. Ikalawa, kapag itinuloy raw ng GMA 7 ang pagtatambal nina Jennylyn at Alden ay iboboykot nila ang istasyon, hindi na nila panonoorin at susuportahan pati ang ibang mga programa ng network.

Nakakatakot naman ang pagbabantang ‘yun ng ilang miyembro ng AlDub Nation. Nakakapanginig naman ‘yun ng kalamnan, baka dahil sa kanilang pagbabanta ay magsarado na ang GMA 7, nakakawindang ang kanilang hakbang kung ganu’n.

Harinawang magising sa katotohanan ang mga nagbabantang ‘yun na hindi sila ang dapat masunod sa anumang desisyong napagkasunduan ng produksiyon. Hindi rin sila sapat para indahin ng network ang gagawin nilang pagboboykot kung totoo man. Aysus, kailangan nang uminom nang balde-baldeng kape ang mga ito, para nerbiyusin naman sila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending