‘Hindi bastos si KIM CHIU! Matino siyang babae!’ | Bandera

‘Hindi bastos si KIM CHIU! Matino siyang babae!’

- February 22, 2013 - 07:11 PM

kim chiuHINDI raw bastos si Kim Chiu para mag-walkout sa taping ng kanilang teleserye sa ABS-CBN na Ina Kapatid Anak tulad ng mga nababalita.

Kumalat kasi ang chika na bigla na lang daw lumayas sa set ng nasabing soap opera si Kim pagkatapos ng eksena nila ni Maja Salvador, kabilang na nga rito ang sampalan at sabunutan nila ng dating best friend.

Pero sa isang showbiz event, todo iwas pa rin si Kim sa issue sa kanila ni Maja, hindi talaga nito sinagot ang tanong kung kumusta na ang relasyon nila ng dating kaibigan na girlfriend naman ngayon ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

‘Yung tungkol, sa balitang personalan na ang mga eksena nila sa Ina Kapatid Anak, hindi naman daw totoo na kinalmot niya si Maja o tinotoo na nila ang kanilang sampalan at sabunutan. “Napanood n’yo naman kagabi.

Wala namang kalmutang nangyari, sampalan lang,” matipid na sagot ng aktres.

Hindi rin daw totoo na nag-walkout siya dahil nabwisit na siya kay Maja, “Umalis ako pagkatapos mag-tape kasi tapos na, e. Hindi naman ako magwo-walkout.

“Bakit naman ako magwo-walkout kung hindi pa tapos?

Tapusin natin at saka tayo umalis.

Kasi, ano na ‘yon e, 3 a.m., cut-off na rin ng mga artista,” sey ni Kim.

“At saka na ‘yan.

Trabaho na muna ang isipin natin,” pahabol pa ng ka-loveteam ni Xian Lim sa nasabing serye na napapanood pa rin sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Juan dela Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

By the way, nakuha ng IKA ang pinakamataas na national TV rating na 40.1% base sa survey ng Kantar Media noong Biyernes.
.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending