Nadine inokray, binastos ng hairstylist; JaDine fans nagwala sa galit
NAG-APOLOGIZE ang isang hairstylist named John Valle sa fans ni Nadine Lustre matapos niyang bastusin ang aktres.
Nag-post kasi ng FHM Sexiest celebrities ang hairstylist which included Jennylyn Mercado, Jessy Mendiola and Nadine nga. Kaso, ginawa niyang blurred ang photo ng dyowa ni James Reid. Doon na nagwala ang JaDine fans. Lumabas kasing parang binastos ng hairstylist ang kanilang idol.
Na-pressure siguro itong si John kaya naman agad-agad itong nag-sorry. Ang alibi niya, gusto lang niyang i-highlight ang style niya kina Jessy and Jennylyn. Wala raw siyang intention na maka-offend kay Nadine o sa mga fans nito.
Gano’n?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.