Jadine type ni Cogie Domingo: pwede akong tatay ni James!
NATANONG si Cogie Domingo sa isang interview ng ABS-CBN kung sino sa mga youngstars ngayon ang gusto niyang makatrabaho bilang dati nga siyang sikat na sikat na matinee idol.
Sino ba ang makakalimot sa napakagaling na performance niya sa pelikulang “Death Row” kung saan nakasama niya si Manoy Eddie Garcia? Bukod pa iyan sa mga teleseryeng nagawa niya sa GMA 7.
Sey ni Cogie, nais niyang makasama sa isang serye o pelikula ang tambalang JaDine, “Sina James Reid and Nadine Lustre, pwede kasi ako daw gumanap na daddy ni James.”
Nagagalingan din daw siya sa magdyowa, lalo na kung pakilig na ang pag-uusapan.
When he was asked naman kung ano ang maipapayo niya sa mga batang artista ngayon, “Just go for your dreams. You have to push yourself, to do what you can do best para mag excel ka sa gagawin mo.”
Mariin ding idinenay ng gwapong aktor na naka-sex niya si Keanna Reeves tulad ng sinabi nito sa radio show ni Mo Twister, “It’s not true. Walang ganong nangyari.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.