Johan Santos nag-iipon pa para sa pakakasalang beauty queen | Bandera

Johan Santos nag-iipon pa para sa pakakasalang beauty queen

Julie Bonifacio - June 29, 2016 - 12:35 AM

johan santos

NAGHAHANDA na ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Johan Santos para sa kanyang nalalapit na kasal with her beauty-queen girlfriend na si Aileen Gonzales.

More than a month na since Johan proposed to Aileen pero pareho pa raw nilang gustong bigyan ang isa’t isa ng panahon to finally walk down the aisle. “Two years, actually,” lahad ni Johan. “Sana by that time matuloy ang wedding. In God’s time kung talagang ‘yun na talaga, e.”

Dating Star Magic artist si Aileen na naging Miss Global. Matagal na silang magkakilala kaya wala raw masyadong ligawan na naganap sa pagitan nila. Pagkasagot sa kanya ni Aileen after two months, nag-propose na si Johan.

“Ganoon ata talaga kapag mutual ‘yung feelings ninyo parehas. Kasi iba ‘yung pakiramdam mo sa tao ‘yung ganoon na parang ibang-iba talaga siya,” tila lutang pa rin dahil sa sobrang pag-ibig na sabi ni Johan. In fairness, mas mukhang bata ngayon tingnan ang aktor kesa nu’ng nag-PBB siya. Epekto raw siguro ‘yun nang pagdyi-gym niya. Although tumigil siya ngayon dahil puro business ang kanyang inaasikaso.

“Nagtayo ako ng isang bar-food mart sa Novaliches. Chill’s Spot ang pangalan sa food court ng SM Nova,” kwento niya. “May partner ako, mga kaibigan ko kasi parang naisip ko rin naman since etong trabaho sa showbiz minsan wala kaming ginagawa. Kaya ayun, gumawa na ako ng business.”

Gusto raw kasing makaipon ni Johan kaya siya nagtayo ng negosyo. Kung aasa lang daw kasi siya sa showbiz ay siguradong hindi siya makakaipon. Knows ni Johan na hindi stable ang kita sa showbiz. Imagine ang huling regular show pa niya sa Kapamilya network ay ang Flordeliza na idinirek ng yumaong si Wenn Deremas.

“Mahirap naman kasi talaga na…akala nila kapag artista ka madali ang pera. Kasi nga unang-una hindi stable ang taping mo, ‘yung show mo. Bumabawi lang kami talaga is ‘yung out of town lalo na may kampanya pa kami last time. Medyo okey naman. Kumita rin kahit paano. Kaya awa ng Diyos may pandagdag na sa ipon. Ha-hahaha!”

Sabi namin baka magdagsaan ang projects niya once maipalabas na ang pelikula niya na “Ku’Te” na idinirek ni Roni Bertubin. Ang husay-husay kaya ni Johan sa role niya bilang gay na movie production assistant na kapatid ng isang may down syndrome portrayed by Marielle. “Kunsabagay, hindi natin masasabi. Kasi, makakabalik ka naman for as long as wala ka namang ginagawang hindi maganda o sinasagasan na mga tao,” lahad niya.

Pinayuhan daw siya ni Direk Roni na huwag masyadong halata ang pagka-bading ng karakter niya sa movie. And after “Ku’Te” willing pa rin si Johan na tumanggap ng gay role sa movie man o sa TV basta raw matsa-challenge siya at maipagmamalaki niya ang project.

Ang “Ku’Te” ay isa sa official entries sa Filipino New Cinema section ng World Premiere Film Festivals being presented by Film Development Council of the Philippines and Cinematheque Manila from June 29 to July 10. “Ku’Te” official screening will start on July 1 sa Gala Premiere, July 3 at July 4 sa SM North EDSA, habang sa SM Megamall naman on July 7, 8 at 10.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending