B-day wish ni Lloydie: Gumaling na ang uncle ko!
“IT’S the honor within the symbol and the respect these jurors give!” Ang sey ni John Lloyd Cruz sa tinaggap na Best Actor award sa katatapos lang na URIAN Awards para sa “Honor Thy Father.”
Sa simula kasi ng speech ni Lloydie matapos siyang tanghaling Best Actor at talunin ang mga matitindi niyang kalaban na sina John Arcilla (Heneral Luna), Jericho Rosales (Walang Forever), Sid Lucero, Lou Veloso, Luis Alandy, Ricky Davao at iba pa, sinabi nitong hindi siya naniniwala sa award.
Pero bago pa man maging kontrobersyal ang pahayag na ‘yun, ipinaliwanag na ni Lloydie na mas tinitingnan niya kasi ang honor at respect na nakapaloob sa tropeyo na higit niyang pinaniniwalaan as an artist.
“Yung award o tropeyo lang kasi ang sumisimbolo nito pero yung kahulugan nito ang higit kong gustong tingnan at paniwalaan kaya’t salamat talaga sa mga Manunuri,” hirit pa ng aktor na nominado sa dalawang pelikula (Honor Thy Father at A Second Chance).
Naging magandang birthday gift yun for Lloydie who turned a year older last June 24 at nag-wish nga ang aktor na sana raw ay gumaling na ang uncle niyang may karamdaman dahil ang ina niya ang higit na maliligayahan para dito. “I have everything na naman, kaya sana yung wish ng nanay ko na gumaling na ang kapatid niya, matupad,” sey pa ng mahusay na aktor.
Katatapos lang gawin ni Lloydie ang indie film na “Ang Babaeng Humayo” with no less than former ABS-CBN president Charo Santos na after several years ay magbabalik nga sa pag-arte pelikula. Si Lav Diaz ang direktor nito at balitang aabot ng apat hanggang limang oras ang comeback movie ni Ma’m Charo na this year din nakatakdang ipalabas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.