GM Antonio kampeon sa Battle of Grandmasters
NAUWI sa tabla ang huling laro ni Grandmaster Rogelio Antonio Jr. laban kay International Master Haridas Pascua subalit sapat na ito upang mapasakanya ang kampeonato ng 2016 National Chess Championships-Battle of Grandmasters kahapon sa Athletes Dining Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.
Tinapos ng 54-anyos na si Antonio ang 13-round tournament na may limang panalo at walong draw.
“Nagpapasalamat ako dahil napatunayan ko na kaya ko pa mag-champion,” sabi ni Antonio matapos na makuha niya ang kanyang ika-10 national chess championship.
Nakatabla ni GM Antonio sa unahan si GM Richard Bitoon pero napunta sa kanya ang korona dahil sa mas mataas na tie-break points. “Gusto ko din i-prove sa sarili ko na kaya ko pang irepresenta ang Pilipinas sa chess laluna ngayon na marami na ang nawala na mga batang players natin tulad ni Wesley (So),” dagdag pa ni Antonio na nanakuha rin ng puwesto sa Philippine team na lalaban sa 42nd World Chess Olympiad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.