Duterte hindi sasakay ng Mercedes Benz; sinabing malas ito
SINABI ni President-elect Rodrigo Duterte na buo na ang kanyang desisyon na hindi sasakay ng Mercedes Benz na siyang sinakyan ng mga dating pangulo, sa pagsasabing kamalasan lamang ang hatid nito.
“I will not ride in the Mercedes Benz. All those who rode that were either impeached or imprisoned,” sabi ni Duterte matapos dumalo sa huling flag raising bilang mayor ng Davao City.
Ito rin ang unang pagkakataon na hindi na nalapitan si Duterte ng mga tao.
“You cannot go near me because they (Presidential Security Group members) will stop you. They believe you will kill me,” sabi ni Duterte, na nagresulta sa tawanan ng mga nakikinig.
Idinagdag ni Duterte na hindi rin siya makalapit sa mga tao dahil pipigilan din siya na makihalubilo sa mga mamamayan.
“They tell me where to go. We keep on arguing,” dagdag ni Duterte.
Aniya, alam naman niyang ginagawa lamang ng mga miyembro ng PSG ang kanilang trabaho.
“They told me that if I get killed during their watch, they will be held responsible,” ayon pa kay Duterte.
Kasabay nito, muling iginiit ni Duterte ang kanyang kampanya kontra droga at korupsyon sa bansa.
“There will be no corruption,” pangako pa ni Duterte.
Nagbabala rin si Duterte sa mga magiging miyembro ng kanyang Gabinete.
“I will just whisper to you to go. It has to stop. I am hell-bent in stopping corruption. Please remember that you will never get any help from me if you have corruption cases,” sabi pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.