Nag-landfall kaninang umaga sa Aurora province ang bagyong Ambo. Pero bago makatawid sa kalupaan ay nalusaw na ito at isa na lamang ngayong low pressure area, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Inalis na ng PAGASA ang public storm signal warning sa lugar. Nagbabala naman ang PAGASA na magdadala ng pag-ulan ang LPA partikular sa lalawigan ng Rizal at Quezon. Kahapon ng 1 ng umaga, ang LPA ay nasa lalawigan ng Quirino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending