GUSTO na raw magkaanak ang isang dating artista na nakapag-asawa sa isang congressman.
Paano magkakaanak ang babae samantalang ang inaatupag ni Cong ay pagsa-shabu?
Lulong sa pinagbabawal na droga si Congresman.
Alam ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso, pero ni isa sa kanila ay may tapang na sabihin sa kanya na magpa-rehab na lang siya.
Minsan pa nga ay inuutusan ni Cong ang isa sa kanyang mga staff na bumili ng shabu sa paligid ng Batasang Pambansa.
Mabuti raw ay hindi nahuhuli ng mga pulis ang kanyang staff.
At the rate suspected dealers of illegal drugs are being killed by the police in encounters kuno, the mass surrender of drug addicts willing to undergo rehabilitation, magiging successful ang kampanya ni incoming President Digong laban sa krimen at droga.
Magkaakibat ang krimen at droga dahil maraming krimen ang isinasagawa ng mga taong lango sa shabu.
Pero mas magiging matagumpay at maiibsan ng malaki ang pagkalat ng droga sa bansa kapag binunot ng gobyerno ang mga puno at ugat ng drug problem.
Kapag tinodas ang mga drug lords na nasa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa, baka tuluyan nang bumagsak ang “industriya” ng ilegal na droga sa buong bansa.
Kahit nasa loob sila ng “Munti,” ang mga drug lords pa rin ang nagpapatakbo ng kani-kanilang sindikato ng droga sa buong bansa.
Kapag sila’y nawala sa mundo, mapipilayan ng husto ang mga drug syndicates.
Paano napapatakbo ng mga drug lords ang kanya-kanyang sindikato?
Sa pamamagitan ng cellphones na ipinupuslit sa loob ng NBP.
Maraming prison guards ang nababayaran upang ipapuslit ang maraming kontrabando, kasama ang mga cellphones, sa loob.
Kung totodasin ng Duterte administration ang lahat ng mga drug lords, dapat ay isama na rin yung mga guwardiya na pumapayag na ipuslit ang mga kontrabando sa loob ng NBP.
Dapat ay ituring din ng darating na administrasyon ang mga pulis na kasabwat sa pagkalat ng droga.
Maraming parak na protektor ng mga nagtutulak at ng sindikato.
Marami rin sa mga pulis ang mismong nagtutulak ng droga na nahuhuli nila sa mga raid o tinatawag na buy-bust.
Mahigit sa kalahati ng nahuhuli ng mga pulis ang binebenta ng mga kumag sa drug market.
Dapat ay “isalvage” ang mga pulis na protektor o nagtutulak.
Isama na rin sa pagsalvage ang mga pulis na nagpa-planting ng droga sa mga inosenteng mamamayan.
Sinasabi ng mga human rights advocates na dapat ay isaalang-alang ng otoridad ang human and constitutional rights ng mga pusakal na kriminal.
Bakit, wala bang human and constitutional rights ang mga biktima ng krimen?
Sino ba ang dapat mas bigyan ng karapatang mabuhay sa mundo, ang mga taong sumusunod sa batas o mga pusakal na kriminal?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.