Mandatory PhilHealth coverage sa senior citizen | Bandera

Mandatory PhilHealth coverage sa senior citizen

Liza Soriano - June 24, 2016 - 12:10 AM

AKO si Ponciano Remegio ng Pangasinan. Isa na akong Senior Citizen. Gusto ko lang itanong sa Philhealth kung ako ba ay otomatiko nang miyembro ng PhilHealth kahit ako’y hindi nagpupunta ng PhilHealth Office? Medyo malayo kasi ang PhilHealth office dito sa lugar namin at medyo hirap na akong magbiyahe. Kaya’t nais kong malaman kung ano ang nararapat kong ga-win para ako ay makakuha ng aking I.D sa Philhealth.

Salamat po.
G. Remegio

REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na kayo po ay kinakailangang magparehistro sa ilalim ng RA10645 o ang “Mandatory PhilHealth Coverage for all Senior Citizens” upang kayo po ay maging miyembro at makapag-avail ng PhilHealth benefits.

Kung wala pong malapit na PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) o PhilHealth Express sa inyong lugar, maaari po kayong magtungo sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng municipalidad ng inyong lugar. Dalhin lamang po ang mga sumusunod na dokumento:

Maaayos na pinunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF)
Isang updated na 1×1 picture (photo taken within the last 6 months); at

Senior Citizen’s ID card na nanggaling sa OSCA o anumang dokumento na magpapatunay sa kanyang pagkakakilanlan at kanyang edad tulad ng Birth Certificate o passport.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po nin-yong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph

Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending