Male personality buking na buking ang kabaklaan
MARAMI nang artistang nakakarelasyon ang isang male personality na nakilala dahil sa popularidad sa isang linya ng kanyang pamilya.
Naging karelasyon niya nu’n ang isang female personality na walang takot sa pagbubuyangyang ng kanyang buhay sa publiko, naturingang komedyana ito, pero puro pang-horror naman ang mga kinasasangkutan nitong isyu.
Mahilig sa artista ang male personality, nakakaloka nga ang mga kuwentong lahat ay niyayaya niyang magpakasal, pero wala namang natutuloy.
May nakarelasyon din siyang medyo bata pang aktres na sinabihan niyang maghanda-handa na para sa kanilang kasal, pero hindi naman niya tinupad, sa sobrang depresyon ay ibinaling na lang ng aktres sa pagpipinta ang lahat.
“Napapanood ko siya ngayon sa isang show, co-host siya, pero mas kilala siya sa kanyang linya na in fairness, e, successful naman. Pero ganu’n pala siya? Paasa ang drama niya?
“Paaasahin niya ang girl na pakakasalan niya, pero hindi naman totoo, puro OPM lang siya. Ilang babae na ba ang nagsasabing puro kasal ang pangako niya, pero ni isa, e, wala namang natuloy?” simulang kuwento ng aming source.
Ikinalat nu’n ng isang female personality na hindi takot sa responsibilidad ang male personality, ang totoo kunong kinatatakutan niya ay ang tunay niyang gender, madalas kasing kuwestiyunin ang kanyang kasarian.
“Lalaking-lalaki naman ang dating niya, imperness, pero bakit nga ba kasi pinagdududahan pa ang gender iya? Ayaw maniwala ng marami na babae ang hanap niya, tama na raw ang pagpapanggap, dahil kabaro niya rin ang hanap ng male personality.
“Bradly Guevarra, ang galing-galing mong manghula, natutumbok mo ang mga bumibida sa mga blind items, kaya siguradong mahuhulaan mo rin kung sino ang mahilig magpaasang male personality na ito,” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay sa tenth floor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.