Andrea Torres may matinding pasabog sa ending ng 'The Millionaire's Wife' | Bandera

Andrea Torres may matinding pasabog sa ending ng ‘The Millionaire’s Wife’

Ervin Santiago - June 24, 2016 - 12:25 AM

ANDREA TORRES

ANDREA TORRES

NGAYON Biyernes matutunghayan na ang pagtatapos ng pinag-uusapang kuwento ng The Millionaire’s Wife sa Afternoon Prime block ng GMA.

Nagpasalamat ang lead star na si Andrea Torres sa pagmamahal at suportang ibinibigay sa kanya ng mga manonood sa pagganap niya bilang Louisa, isang single mother na nagpakasal sa isang mayamang lalaki kapalit ng pagpapagamot sa may sakit niyang anak sa pagkadalaga.

“Maraming salamat po sa ipinakita ninyong pagmamahal sa show. Sobrang saya namin sa positive feedback at sa magandang rating. Kaya sana yung suportang pinapakita nila sa amin mula umpisa, hanggang ngayon, sana ganu’n din po sa huli,” sabi ni Andrea.

Inimbitahan din ng aktres ang Kapuso viewers na huwag palalampasin ang mga nalalabing episodes ng drama series dahil malalaman na ni Allison (Ina Raymundo) ang pagkakasangkot nina Stella (Jaclyn Jose) at Jared (Sid Lucero) sa pagkamatay ni Alfredo (Robert Arevalo) at kung paano nila sinisi lahat ng ito kay Louisa.

Samantala, magkatuwang na tutulungan nina Ivan (Mike Tan) at Mark (James Blanco) na makakuha ng hustisya si Louisa para makalaya.

“Nitong mga nakaraang linggo palagi namin kayo pina-e-excite at binibitin sa iba’t ibang twists. Dito na mabibigyan linaw ang lahat. Ano ba talaga ang kahihinatnan ng karakter ng bawat isa. Kanino nga ba mapupunta si Louisa –kay Ivan o Mark. Ano na ang mangyayari kay Louisa ngayong nakakulong siya? Be ready. Nakaka-touch ang finale na ito,” dagdag ng aktres.

Mapapanood ang finale episode ng The Millionaire’s Wife ngayong Biyernes pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli sa GMA Afternoon Prime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending