NASA kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila ang pinaghihinalaang drug lord na si Alvaro Alvaro alyas “Barok.”
Sumuko si Alvaro sa NBI-Bohol sa apat na araw matapos siyang makatakas nang makipagbarilan sa mga pulis kung saan napatay ang isa pang drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz.
Mula sa Bohol, dinala siya NBI Central Visayas Office at ibiniyahe papuntang Maynila.
Sinabi ni NBI Anti-Illegal Drugs Division Chief Joel Tovera na dumating si Alvaro sa Maynila noong Martes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending