Loisa Andalio, Jerome Ponce bagong loveteam na ibebenta ng ABS-CBN | Bandera

Loisa Andalio, Jerome Ponce bagong loveteam na ibebenta ng ABS-CBN

Ervin Santiago - June 21, 2016 - 12:01 AM

loisa andalio at jerome ponce

MUKHANG promising ang bagong tambalan na ibebenta ng Dreamscape Entertainment sa bagong season ng Wansapanataym na mapapanood na darating na Linggo, June 26.

Kahapon, bumisita kami sa taping ng Wansapanataym Presents Candy’s Crush sa Sampaguita Gardens sa San Juan, at ito’y pagbibidahan nga ng mga Kapamilya youngstars na sina Loisa Andalio at Jerome Ponce. In fairness, base sa nakita naming mga eksena ng dalawang bagets, ang lakas din ng kanilang chemistry on screen. Bagay na bagay ang dalawa sa kanilang mga kilig moments sa programa.

Ayon kay Loisa, nagkasama na sila noon ni Jerome sa afternoon series ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita pero aniya, hindi sila magka-loveteam doon kundi magkapatid. Kaya naman inamin nina Loisa at Jerome na nagulat sila nang sabihin ng Dreamscape na sila naman ang pagtatambalin sa bagong season ng Wansapanataym.

“Hindi ko ine-expect, ibang tao ang ine-expect ko for her. Nagulat ako siyempre kasi alam naman po ng lahat na siya ay 17, ako 21,” ayon kay Jerome na dati namang naging partner ni Janella Salvador. Pero sa harap mismo ng ilang miyembro ng entertaiment press na dumalaw sa taping ng fantasy series ng Dos, inamin ni Jerome na nasa Pinoy Big Brother pa lang daw si Loisa ay super crush na niya ito.

Aniya, “Noong PBB days, may paghanga. Tapos, siyempre, alam kong nandiyan si Joshua (Garcia, unang naging ka-loveteam ni Loisa), naging kulitan, friends. And hindi naman din po kasi ako ‘yung parang nandu’n ‘yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andu’n ako sa ine-enjoy ko ‘yung araw-araw kong trabaho. Eto, katrabaho ko siya, di e-enjoy-in ko lalo.”

Nabigla naman si Loisa sa ginawang pag-amin ni Jerome, hindi raw niya alam na crush siya ni Jerome, “‘Yung sinabi sa ‘yo dati ni Janella?” say ni Jerome kay Loisa. Ikinuwento na pala ni noon ni Janella kay Loisa na crush siya ni Jerome pero hindi raw naniwala ang young actress, “Kay Janella ko lang inamin ‘yun. Ayun, siguro at least, alam na na niya ngayon, so ‘yun,” say ni Jerome.

Kaya naman pala may spark agad ang dalawa mula nang sumalang sila sa taping ng Wansapanataym, at hindi na rin kami magtataka kung magkadebelopan man ang bagong magka-loveteam ngayong mas madalas na silang magkakasama.

Magsisimula na ang Wansapanataym Presents Candy’s Crush ngayong Linggo, June 26 sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending