Batanes niyanig ng magnitude 5.6 na lindol
Leifbilly Begas - Bandera June 20, 2016 - 01:47 PM
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.6 ang Batanes kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:20 ng umaga.
Ang sentro nito ay 65 kilometro sa kanluran ng Sabtang at may lalim itong 17 kilometro. Sanhi ng lindol ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity V paggalaw sa Sabtang, Uyugan, Ivana at Mahatma sa Batanes.
Intensity IV naman sa Basco, Itbayat sa Batanes at Pamplona sa Cagayan.
Sinabi ng Phivolcs na wala silang inaasahang napinsala sa lindol subalit maaari umanong magkaroon ng aftershocks ang paggalaw na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending