Babaeng baliw na baliw kay DANIEL PADILLA, nagwala…nag-iiyak sa CEBU
Nang makita at mahawakan ang ‘dyowa’ ni Kathryn Bernardo
LAUGH kami nang laugh nang makita namin ang video sa Facebook ng fans ni Daniel Padilla.
Talagang walang pakundangang naglulupasay ang isang female fan ni Daniel at cry nang cry while telling her idol na ang suwerte-suwerte niya dahil nakita niya ang young actor na pinakasikat ngayon sa mga bagets.
Hawak-hawak pa nga niya ang magazine kung saan me photo ni Daniel while talking.
Habang umiiyak ay tili nang tili ang female fan na para bang tumama siya ng lotto nang ma-sight niya ang young actor.
Kakaloka talaga ang eksena niya.
Ang suwerte niya dahil nakahawak siya sa kamay ni Daniel.
Hindi niya ini-expect na mahahawakan niya ang kanyang idol. At all throughout the video ay crying ang young female fan.
Actually, she was with other female friends habang kinukunan siya ng video.
Pero siya lamang talaga ang agaw-eksena dahil super cry at tili siya.
Ay, ‘yung isa rin naman umiyak pero hindi naman kasing-tindi nu’ng isang babae.
Sa Cebu kinunan ang naturang video na kumakalat na ngayon sa Facebook.
Ang nakakaloka pa, nire-request ng female fan na puntahan siya sa bahay nila sa Cebu dahil wala siyang pamasahe papuntang Manila.
At para malaman ni Daniel ang address niya ay itu-tweet niya ito.
Bilib din naman kami sa kasikatan ni Daniel.
Talagang lahat yata ng pagpapapansin ay ginagawa na ngayon ng kanyang female fans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.