Anak ni Mang Pidol sumugod sa Bacolod City District Jail
NASORPRESA ang mga nakakulong sa Bacolod City District Jail Male Dormitory kahapon ng umaga nang biglang humarap sa kanila ang anak ni Comedy King Dolphy na si Dolphy Jr..
May hawak na mikropono si Dolphy, Jr. (Rodolfo Dominguez Quizon, Jr. sa tunay na buhay) at nakasuot din ng dilaw na damit tulad ng kulay ng t-shirt ng mga BJMP inmates, nang dumating sa kulungan. Ayon sa anak ni Mang Pidol, katulad din daw siya ng mga inmates sa nasabing kulungan.
“Nagkaroon din ng di magandang ano, ang father ko dahil nagkaroon siya ng anak na naging addict. Galing din ako du’n. Kagaya niyo rin ako. May pag-asa. Kahit kayo nandiyan, may purpose ang Diyos kaya kayo nandiyan. Kasi ako alam ko naman po na hindi lahat ng inmates may kasalanan din,” sabi nito sa ulat ng ABS-CBN.
Na-convict si Dolphy, Jr. sa kasong arson with multiple homicide noong 1981 na aniya’y hindi niya kailanman ginawa. Life imprisonment ang naging hatol sa kanya kasabay ng pag-amin na nagumon din siya sa paggamit ng droga. “Sigarilyo, alak, sugal, drugs, babae. Lahat ng kasalanan nasa akin. Nag start akong mag-drugs, huwag kayong magulat ha, 1969 pa, katorse anyos ako,” aniya pa.
Ngunit, dumating daw ‘yung araw na nagising siya sa katotohanan at mas piniling sundin ang mga utos ng Diyos. Mula noon, naging misyon na niya ang pumunta sa mga kulungan para i-share ang kanyang mga naging experience at ma-inspire ang mga tulad niyang naligaw ng landas.
“Tinanggap ko ang Panginoon. Suddenly, nagbago ang aking buhay. Siguro ang pinalit ng Lord yung bible. Sa pagbabasa ko, nawala. Ang pinakamaganda na sila ay makakakilala rin sa Panginoong Diyos.”
Kung matatandaan, binigyan siya ni dating Pangulong Joseph Estrada ng pardon noong Sept. 28, 1998.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.