Janella nakatikim din ng panlalait sa fans nina Elmo at Janine: Dedma lang!
GRABE rin ang nararanasang pamba-bash ng Kapamilya young actress na si Janella Salvador mula sa mga tagasuporta ng bago niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona at girlfriend nitong si Janine Gutierrez.
Ayon sa dalaga, bahagi na raw talaga ng buhay ng isang artista ang bashing kaya kailangang maging matatag siya para hindi maapektuhan ang kanyang trabaho.
Kahit naman daw si Elmo ay nakakatikim din ng hindi magagandang mensahe mula naman sa fans nina Janella at dati nitong katambal na si Marlo Mortel.
Sey ni Janella sa presscon ng ng bagong serye nila ni Elmo na Born For You na magsisimula na sa darating na Lunes, “Naba-bash din naman ako. Pero dedma na lang. Hindi naman talaga maiiwasan iyon, e. In-expect ko na iyon from the start pa lang.
“I’m just gonna focus on the people who are supporting the show, and I’m thankful that they are supporting the show,” paliwanag ng anak ni Janine Desiderio.
Pahayag pa ni Janella, “You know, I always tell the Janellasters and whoever na sana don’t bash na lang. Just focus on the support, instead of the hate.”
Good vibes lang daw ang pinaiiral ngayon nina Janella at Elmo para maganda rin ang maging pagtanggap ng madlang pipol sa Born For You. In fairness, ngayon pa lang ay exicted na ang ElNella fans sa pagsisimula ng BFY, lalo na nang mabasa nila ang magagandang review ng mga nakapanood sa pilot week nito sa ginanap na celebrity screening nitong nagdaang weekend.
Reaksiyon nga ni Janella sa mga pumuri sa nakakakilig na chemistry nila ni Elmo, “It’s so overwhelming for me. Natutuwa rin ako na ang dami ng sumusuporta (sa ElNella).
“May nakikita na rin kaming nagsu-support sa show kahit hindi pa nag-e-air. So, I’m so happy with everything,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.