Bastos na female celebrity walang respeto sa veteran stars | Bandera

Bastos na female celebrity walang respeto sa veteran stars

Cristy Fermin - June 17, 2016 - 12:35 AM

BLIND ITEM FEMALE 0329

MAY mga personalidad na nakatatawid sa iba-ibang network, bukas ang pintuan para sa kanila ng lahat ng mga istasyon, kaya kilalang-kilala nila kung sinu-sinong artista ang may kakaibang ugali.

Para sa mga artistang ito ay kakaiba ang ugali ng isang hindi pa naman katagalang female personality na nabigyan lang ng espasyo para makilala ay inari na ang buong mundo sa kamalditahan.

Hindi puwedeng maitago ang tunay niyang ugali, siya na talaga ‘yun, lumutang ang kanyang naturalesa nang magtagal-tagal na siya sa showbiz.

Kuwento ng isang source, “Kulang na kulang sa PR ang babaeng ‘yun! Ang feeling yata niya kasi, e, siya ang kailangang i-approach ng mga datihan nang artista. Wala siyang respeto sa mga beterano nang personalities.

“Kung makatingin ang babaeng ‘yun, e, mula ulo hanggang paa, parang sinusukat niya ang tao, hindi magandang example sa mga kabataan ang babaeng ‘yun!” reaksiyon ng impormante.

Kahit saan magpunta ang female personality ay kapansin-pansin ang kanyang lutang na lutang na kamalditahan, mapangbara siya, parang siya na ang pinakamagaling sa buong mundo.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Akala yata niya, e, forever na ang popularity niya. Kapag may naririnig siyang nag-uusap, nakikisabad siya kahit wala naman siyang alam sa topic!

“At nambabara siya, ha? Magaling siyang mambara ng mga nag-uusap-usap, isa siyang sawsawera, sa totoo lang! Feeling close? Maraming naiinis sa kanya dahil parang gusto niyang iparamdam sa lahat na siya na ang pinakasikat na artista ngayon.

“Jusko, Bradly Guevarra, mukha ngang hindi pa makakapag-anniversary ang girl na ‘yun, ‘no! Ngayon pa lang, e, waley na siya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending