2 Bagets na Taiwanese naguwapuhan kay Michael; Bilib na bilib sa tattoo | Bandera

2 Bagets na Taiwanese naguwapuhan kay Michael; Bilib na bilib sa tattoo

Jobert Sucaldito - June 16, 2016 - 12:30 AM

michael pangilinan

VERY fruitful and rewarding ang nakaraang trip namin nina Papa Ahwel Paz at baby nating si Michael Pangilinan sa Taiwan. Paano naman kasi, napakahalaga para sa alaga nating singer ang makapagdulot ng saya sa mga migrants natin lalo na sa Taichung, Taiwan.

The Independence Day event last June 12 was very successful sa pamumuno ni Fr. Joy Tajonera ng Ugnayan Migrants. Siya ang parish priest doon na sumasaklolo sa mga problematic Pinoy OFWs lalo na ang mga walang matirhan dala ng iba’t ibang sitwasyon. Isinabay sa pagdaos ng Independence Day ang Mr. and Ms. Philippines-Taiwan kung saan umupo na rin akong judge. Ang gaganda at ang guguwapo ng ilang candidates though meron kaming naamoy na ilang male candidates na dapat sa Ms. Gay sumali.

Ha-hahaha! Pero in fairness, maganda ang naging result ng winners – fair and square naman kahit paano. Napakabait ni Fr. Joy, 13 years na siyang nagmimisa roon. Napakaraming Pinoy volunteers doon kaya hindi ganoon kahirap ang organization nila ng kahit anong events. Funding lang talaga ang kulang. Pero nagagawan naman nila ng paraan dahil ang ating embahada roon ay very supportive of the OFWs.

Anyway, after pasayahin ni Michael ang napakaraming Pinoy workers natin sa Taichung, time to shop na si bagets. Sinamahan namin siya ni Papa Ahwel sa bawat makita naming night market. Nakakaloka ang night markets doon, napakalawak kaya di ko talaga kinaya dahil madali akong mapagod samantalang ang dalawa ay parang walang bukas sa kalalakad. In short, hindi talaga ako nakapag-shopping. Sayang ang mumura pa naman ng mga damit at iba pang bilihin doon.

“Nakakaloka ang dalawang bagets na Taiwanese. Manghang-mangha sila sa tattoos ni Michael kaya di na sila nakapagpigil magtanong kung tagasaan kami. Hindi sila makapaniwalang Pinoy si Michael dahil mukha raw Korean. Di pa nakuntento ang dalawang boys, as in mga lalaki talaga ha, ang sabi kay Michael, ‘you are very handsome’. Nakakatuwa, di ba? Mga lalaki ang instant fans ni bagets. Hindi kaya nabading sila kay Michael? Joke lang. Ha-hahaha!” kuwento ni Papa Ahwel.

Michael bought for himself a lot of clothes and shoes, “Magagamit ko ito sa mga shows ko sa Philippines. Marami pa akong gustong bilhin kaya lang wala lang talagang oras. Wala naman akong bisyo dito sa atin kaya di ako masyadong nakakagastos. More on clothes lang naman ako kaya nakakaipon kahit paano. Sarap mamili sa Taiwan kasi mura talaga.

“Try kong mamili rin sa Japan pagpunta natin. Ang alam ko lang, mahal ang bilihin sa Japan kaya try kong magtipid. Yung importante lang ang bibilhin ko. Minsan lang naman tayong bumiyahe kaya take advantage na,” ani Michael na excited na sa pagbiyahe namin tomorrow for Japan para sa Gabay Guro ng PLDT.

Bukas nga kami aalis and Tuesday kami babalik. Two days kasing magpi-perform si Michael doon. Sa first day (Saturday) ay siya lang yata ang Pinoy guest performer and sa Sunday ay marami na silang kakanta dahil iyon ang main event. Makakasama niya sina Ogie Alcasid, Ate Gay, Regina and Christian Bautista. Kaya mauuna na kaming lilipad for Japan tomorrow.

q q q

What excites me too ay ang pagkikita namin ng sister kong si Anavic Okuba sa Japan kasama ang dalawa kong super-missed nieces na sina Erika and Hichang. Mag-iikot kami sa Monday kasama sina Michael and his brother, Kuya Sam. This must be something really exciting dahil tapos na kami sa aming work noon. Pasyal-pasyal day namin ito bago kami uuwi sa Tuesday.

Pag-uwi naman namin ay magiging busy ulit kami preparing for Michael’s “Full Tank” concert with Prima Diva Billy sa Teatrino (Promenade, Greenhills) on July 1. Magiging guests nila sina KZ Tandingan, Boobsie Wonderland, Hashtag Nikko Seagal Natividad, Gab Maturan, Allen Sta. Maria, Daniel Bautista, The Pink Mannequins and the seductive Ms. Verni Varga, sa musical direction ni Ivan Lee Espinosa. Bongga ang show na ito kaya di dapat palagpasin.

Katatapos lang din mag-pictorial ni Michael for his second album under Star Music. July na ang labas ng sobra-gandang album na maraming bonus tracks. He is also about to record the theme songs of two ABS-CBN teleseryes. “I’ve always been a good boy naman, di ba ‘Nay? Minsan lang ako nagiging sutil pero may bawi naman. Hindi naman ako nagpapabaya sa work ever since. Kahit puyat at pagod na pagod ako, hindi ako nang-iindiyan ng commitments and alam mo iyan, ‘Nay. Ha-hahaha!” ang pagpapamukha sa akin ng baby natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mismo! Basta always be good and don’t forget to pray to God to thank Him for all the blessings and the future blessings pang matatanggap. I always guide him naman and pinaalalahanan lagi to share his blessings to others.

Kaya naman sa pagtulong niya sa kanyang kapwa ay palagi siyang may Good Karma. Tama lang naman, di ba? Huwag magdamot pero huwag ding magwaldas. Huwag gumaya sa akin. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending