Kristine Hermosa dedma na sa drama serye: Ayoko na nang iyakan | Bandera

Kristine Hermosa dedma na sa drama serye: Ayoko na nang iyakan

Ervin Santiago - June 13, 2016 - 11:51 PM

13393909_1064582676968962_8198240714153527254_nAPAT na buwan nang buntis ang asawa ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa pero kering-keri pa rin niyang magtrabaho.
Sa presscon nitong Lunes sa  kauna-unahang sitcom ng mag-asawa na Hay Bahay! sa GMA 7 na pagbibidahan din ni Ai Ai delas Alas at ng father-in-law niyang si Vic Sotto, sinabi ni Tintin na wala naman siyang problema sa pagbubuntis. Hindi raw maselan ang pagdadalang-tao niya ngayon.
“Salamat talaga sa Diyos dahil maayos ang kundisyon ng katawan ko kaya okey din ang baby. For as long as na kaya kong mag-work okay lang. Tsaka hindi naman mabigat ang taping namin sa Hay Bahay! dahil comedy nga siya, so masaya lang, walang mabibigat na eksena,” sey ng bagong Kapuso actress.
Noon pa raw talagang gusto ni Kristine na magbalik sa TV pero ang laging offer sa kanya ay drama kaya hindi niya tinatanggap, as mush as possible raw kasi ay ayaw na niya ng iyakan dahil nakakapagod at nakaka-stress.
Kaya nang i-offer sa kanya ni Bossing Vic at ng GMA ang Hay Bahay! ay tinanggap niya agad, bukod kasi sa makakasama na niya sina Oyo at Vic at Ai Ai, light lang ang programa at once a week lang hindi tulad ng teleserye na patayan ang taping.
At kahit daw may regular show na siya uli, ang top priority pa rin niya ay ang kanyang asawa at mga anak. Kaya niya raw isakripisyo ang maraming bagay para sa kanyang pamilya.
In fairness, mukhang promising ang Hay Bahay! dahil sa trailer pa lang ay tawa na kami nang tawa sa mga eksena nina Ai Ai at Vic idagdag pa ang tambalan nina Jose Manalo at Wally Bayola at ang natural na pagkokomedya nina Oyo at Tin bilang mag-asawa rin sa kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending