Sulat mula kay Mercy ng Buenavista,
Alangalang, Leyte
Problema:
1. Wala po akong boyfriend sa ngayon pero gusto ko na pong mag-asawa kasi sa edad ko pong 29 years old na sa darating na June 29 ay pinag-aasawa na ako sa amin. Apat kasi kaming magkakapatid na babae at ako ang pangalawa at ako na lang po ang walang asawa sa amin sa ngayon. Sa ngayon po ay may boyfriend ako kaya lang nasa ibang bansa siya kaya madalang lang an gaming communication at parang wala pa naman siyang balak mag-asawa.
2. Itatanong ko lang po kung kailan kaya ako makapag-aasawa at sino kaya ang lalaking mapapangasawa ko, kakilala ko na ba siya sa kasalukuyan o hindi pa? At minsan po hindi maiwasang sumasagi sa isipan ko na ba-ka ako ay tumandang dalaga na lang habang buhay, ano po ba sa palagay nyo?
Umaasa,
Mercy ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang magiging bagong boyfriend mo ngayong panahon ding ito ng tag-ulan. Ang nasabing lalaki ay dati mo ng kakilala pero ngayon ka palang niya totohanang liligawan.
Numerology:
Ang birth date mong 29 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 7 o kaya’y 25 ang magiging totohanan at seryosong boyfriend mo ngayong taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo.
Luscher Color Test:
Sa pakikipag-relasyon upang matiyak ang isang maligaya, maunlad at habang buhay ng pagsasama, gumamit kayo ng kulay na berde at dilaw sa araw ng inyong kasal at sa lahat ng mga gamit sa bahay. Sa ganyang paraan, kapag may asawa ka na ang inyong relasyon ay tuloy-tuloy na uulad at habang buhay na magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Mercy ayon sa iyong kapalaran mas mainam pang ipayapa mo na ang isipan mo sa ngayon at wag mong isiping tatandang dalaga ka habambuhay. Dahil ayon sa iyong kapalaran sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo, isang lalaking may initial na J.A. ang magiging bagong boyfriend mo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.