Megan Young tuluy-tuloy ang pagiging Miss World
NAKAKAALIW pagmasdan ang mga travel photos sa Instagram feed ni Kapuso actress Megan Young.
Pinaninindigan talaga ni Megan ang kanyang pagiging Miss World sa iba’t ibang bansang binisita niya ngayong taon. Kababalik lang niya mula Kuwait noong Mayo 28 para sa ika-118 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Ngayon namang Hunyo ay muli siyang lilipad patungong Carson City sa United States para makasama ang ating mga kababayan doon.
Ang taunang selebrasyon ay gaganapin sa Veterans Park sa pangunguna ng Philippine Independence Day Foundation, Inc. kasama ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International bilang exclusive media sponsors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.