Sunshine binasted lahat ng mga manliligaw: Kung walang spark wag na lang! | Bandera

Sunshine binasted lahat ng mga manliligaw: Kung walang spark wag na lang!

Ervin Santiago - June 13, 2016 - 12:15 AM

 

sunshine cruz and kids

BASTED lahat kay Sunshine Cruz ang mga nanliligaw sa kanya. Ayaw daw kasi niyang paasahin sa wala ang mga ito kaya kapag hindi niya type ang lalaki kailangan niyang magpakatotoo.

“May mga nanligaw naman pero binasted ko na sila kasi wala akong na-feel na spark. Para kasing for my age, I’m turning 39 na, kung walang spark, patatagalin mo pa ba?

“Tapos sila mga 40 years mahigit na, e, baka mamaya sisihin ka pa, di ba? So, ang akin lang, parang kung wala namang spark, turn down na, wag na. And I know God is preparing someone for me, yung the best pine-prepare Niya,” pahayag ni Sunshine nang mag-guest silang mag-iina sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay.

Sey pa ng aktres, mas gusto raw niyang matapos muna ang annulment case nila ng kanyang estranged husband na si Cesar Montano bago siya makipagrelasyon uli. Mas mabuti na raw yung wala siyang sabit pag nagka-boyfriend na siya.

“Gusto ko kasi mag-start ng clean slate, yung pag tapos na yung annulment. So, I’m hoping for the best na sana nga within the year, or bago man lang ako mag-kuwarenta para naman makakita tayo ng true love,” esplika ng hot mama.

Kuwento pa ni Sunshine, ang mga anak na nga nila ni Buboy na sina Angelina, Samantha, at Francheska ang nagpu-push sa kanya na magdyowa na uli dahil deserve naman niyang lumigaya. “Yeah, we just want her to be happy,” ani Angelina. Um-agree naman dito ang dalawa niyang ka-patid.

Hirit naman ni Shine, “Sila pa yung nagpu-push sa akin na makipag-date. Ang sabi ko, ‘Wala pa nga.’” Aniya, sa ngayon gusto niyang ibuhos lahat ng oras niya sa trabaho at sa kanyang tres marias, lalo na ngayong nagdadalaga na ang mga ito.

Nang tanungin naman kung ano ang kaya niyang isakripisyo para sa kanyang tatlong anak, “Obviously, hindi ko pwedeng i-give up ang career ko. Pag sinabi nilang huminto akong magtrabaho, wala kaming kakainin, hindi puwede.

“Pero pag kunwari mayroon akong mapusuan in the future, and sinabi nila na hindi nila gusto para sa akin, hindi ako magdadalawang-isip, bibitiwan ko para sa kanila. “Sabi ko nga, I couldn’t ask for more, sila yung sobrang kayamanan ko. And I’ll be forever grateful and thankful that I have them.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa akin kasi, gusto ko lang na lumaki sila na mabubuting tao. Kapag ang kalooban mo ay mabuti, matulungin ka, may respeto ka sa kapwa, mapagmahal ka, lalapitan at lalapitan ka ng mga tao,” chika pa ni Sunshine.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending