Suspek na nasa likod ng pagdukot sa isang Italian national arestado
ARESTADO ang lalaki na nasa likod ng pagdukot sa Italian national na si Rolando del Torchio sa Dipolog City.
Sinabi ni Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan, Jr. na naaresto ng mga pulis at sundalo si Sehar Muloc alyas Abner Muloc sa bayan ng Naga sa Zamboanga Sibugay.
Idinagdag ni Tan na naaresto si Muloc sa barangay Kaliantana, Naga. May direktang koneksiyon si Muloc sa Abu Sayyaf sub-leader na si Idang Susukan na naka-base sa Sulu.
“He was allegedly used by the Sulu-based Abu Sayyaf in many kidnapping operations in Zamboanga Peninsula,” dagdag ni Tan.
Itinuturo si Muloc na nasa likod ng pagdukot kay del Torchio noong Okt. 7, 2015. Si del Torchio ay dating pari at nagpapatakbo ng isang pizza parlor sa Dipolog City.
Ibinigay umano ni Muloc ang Italian national sa Abu Sayyaf na nakabase sa Sulu.
Pinakawalan si del Torchio, 57, sa Jolo, Sulu noong Abril 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.