Kiray sa pangalawang pelikula sa Regal: Aaminin ko, natatakot pa rin ako! | Bandera

Kiray sa pangalawang pelikula sa Regal: Aaminin ko, natatakot pa rin ako!

Alex Brosas - June 12, 2016 - 12:05 AM

 

kiray celis at coco martin

AMINADO si Kiray Celis na utang na loob niya sa Regal Entertainment ang pagbibida sa pelikula.

“Bilang artista sa ABS-CBN, sino ba naman ako para bigyan nila ng pelikula. Kaya nagulat ako sa Regal kung bakit sila sumugal nang ganito kalaki sa akin. Kaya sobrang nakaka-proud lang kasi ang laki ng tiwala nila sa akin sa pangalawang pagkakataon,” say ni Kiray na bida uli sa horror-comedy flick na “I Love You To Death.”

“Hindi ako magpapakaipokrita. Kumita kasi ang ‘Love is Blind’ nang hindi nila inaasahan. Sumugal sila ng…alam mo ‘yung feeling na sige i-try natin. Alam ko siyempre try ‘yun, eh, kasi hindi mo naman malalaman kung magiging successful kung hindi mo susubukan. At nu’ng sinubukan nila, ay iba.

Nagulat din sila kasi nga ang ganda ng kita namin. Wala kaming masyadong promo,” chika pa niya. Mas pressured si Kiray now dahil sila lang ni Enchong Dee ang pinakabida sa “I Love You To Death.”

“Hanggang ngayon natatakot talaga ako, pero ang pinaghuhugutan ko ‘yung feeling na kapag nakakabasa ako nang maganda tungkol sa ‘Love Is Blind’. Ang feeling ko ay papanoorin nila ang movie ko na pangalawa kasi nga natutuwa sila. Feeling ko, sa movie na ito ay mas ibinigay ko ang lahat, mas umarte ako,” say pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending