Claudine sa basher ng ina: Demonyo! kapal mo, tigilan mo na ang pamilya ko!
TAMA si Claudine Barretto. Hindi na dapat pinapatulan ng basher ang ina niyang si Inday Barretto. Wala nga namang respeto sa matanda ang netizen na yun.
Puro pambabastos ang inabot ni Inday sa social media dahil lang ipinost niya ang apo niya kay Marjorie Barretto at sinabing ito ay ang kanyang favorite apo. Apparently, may clue na si Claudine kung sino ang namba-bash sa kanyang ina using an account. Ayon sa followers ng aktres, parang ang sister niyang si Gretchen Barretto ang pinatatamaan nito sa kanyang depensa sa kanyang ina.
“Pinapatulan mo ang 79 years old? Kapal mo, BASTOS. Indecent walang delicadeza. DEVIL! You are not to hurt my Parents ever again. Like you said My Mom is OLD yet you bash her like youre perfect. Sabagay my Mom is really old and has Lupus but @79 di pa yan nagpapa-BOTOX!
“Leave our family alone. Pray hard maiksi ang buhay God Bless your Soul. Oh SORRY I forgot your soul doesn’t belong to God. It’s with the Devil. In Hell where you truly belong. #Donotmesswithmy mom.” That was Claudine’s aria in defense of her mom. Ano kaya ang masasabi ni La Greta sa chikang siya ang pinatatamaan ni Claudine sa kanyang rants? Any comment, Gretchen?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.