Knowledge Channel tuloy sa pagtulong sa estudyanteng Pinoy; may 2 bagong show | Bandera

Knowledge Channel tuloy sa pagtulong sa estudyanteng Pinoy; may 2 bagong show

Reggee Bonoan - June 11, 2016 - 12:30 AM

robi domingo at enchong dee

NAGDIRIWANG ng 17th year anniversary ang Knowledge Channel Foundation, Inc. na nagsimula noong 1999. Ito ang nagbago sa mukha ng edukasyon sa bansa. Naging bahagi ito ng buhay at nagpayaman ng kaalaman ng higit sa limang milyong mag-aaral na Pilipino.

Sa paglipas ng mga taon, naging mas matibay pa ang pangako ng Knowledge Channel sa sambayanan na maglikha ng mas maraming programang makakatulong sa mga mag-aaral gamit ang  media at teknolohiya.

Mas marami na ang programa ng Knowledge Channel tungkol sa Early Childhood Development, K to 12, at Alternative Learning na maaaring mapanood gamit ang iba’t ibang media platforms tulad ng cable (SKYcable), direct-to-home (SKYdirect), digital TV (ABS-CBN TVplus), online (kchonline.ph), at video-on-demand (Knowledge Channel On-Demand).

Sa katunayan, ang Knowledge Channel ang una at tanging TV at online educational media tandem na nakabatay sa basic education curriculum ng bansa. Sa pagdiriwang ng ika-17 taon ng Knowledge Channel, ilulunsad ang dalawang bagong palabas, ang MathDali ni Robi Domingo at AgriCOOLture to be hosted by Enchong Dee.

Layunin ng MathDali na malabanan ng mga mag-aaral ang takot sa pag-aaral ng math. Makakasama rin ni Robi rito sina Igi Boy Flores, Vic Robinson III at ang kambal na sina Joj and Jaj Agpangan. Tampok sa bawat episode ang math concepts sa totoong buhay para maging positibo ang pag-iisip ng mga mag-aaral habang inaaral nila ang math.

Samantala, sa AgriCOOLture ni Enchong sisiyasatin naman ang malaking potential ng ‘agri-preneurship’ sa pamamagitan ng aquaculture, crop production, at poultry. Nakabatay ang anim na episodes ng AgriCOOLture sa curriculum ng DepEd para sa Grade 9 Technology and Livelihood Education.

“Ipinapakita ng dalawang bagong show ng Knowledge Channel ang aming tungkulin na lumikha ng magagandang programa na makakatulong sa ating mag-aaral. Layunin namin na mapagyaman ang kaalaman ng bawat mag-aaral na Pilipino,” saad ni Knowledge Channel president and executive director Rina Lopez-Bautista.

Maliban sa mga educational shows, nagbibigay din ang Knowledge Channel ng iba’t ibang programa at workshops sa mga guro para matulungan nila ang mga mag-aaral na mas maging maganda pa ang academic performance. Meron itong flagship teacher training program na Learning Effectively Through Enhanced Pedagogies (LEEP).

Mapapanood ang MathDali sa Mathematics curriculum block for Grade 4 sa Knowledge Channel tuwing Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo (10 a.m. at 1:20 p.m.). Samantala, eere naman ang AgriCOOLture tuwing Martes, Huwebes, at Sabado (11:40 a.m. at 4 p.m.).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending