Ryza Cenon umaming ilang beses nang nagtangkang magpakamatay
NAGTANGKA na palang magpakamatay ang Kapuso actress at Starstruck Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon.Inamin ng dalaga na meron daw talaga siyang suicidal tendency lalo na kapag inaatake siya ng matinding kalungkutan at depresyon.
Nakausap namin ang aktres sa media launch ng kanyang art exhibit titled “Independencia: Ang Panimula” sa Guevarra’s By Chef Laudico sa San Juan kamakalawa ng hapon at dito nga niya naikuwento kung ilang beses na niyang sinaktan ang kanyang sarili noong medyo bata pa siya dala ng sobrang depression.
“Hindi pa naman ako naglaslas ng pulso, ano lang, nu’ng one time yung dumbells inihampas ko sa ulo ko. Minsan mga kalmot, tapos yung ballpen ginaganu’n ko sa braso ko. Hanggang ganu’n lang naman,” chika ni Ryza na ilang buwan na ring pahinga sa pag-arte. Huling serye niya sa GMA kung hindi kami nagkakamali ay Buena Familia pa. “Tsaka almost one year din kasi akong walang work. Mag-isa lang din ako na binubuhay yung sarili ko. Sobrang na-depress ako. May time na iniisip ko talagang mag-suicide,” aniya pa.
Ayon kay Ryza, kahit may suicidal tendency siya, hindi pa rin daw talaga niya kaya ang magpakamatay dahil malaki pa rin ang takot niya sa Diyos. At ang faith daw niya kay Lord ang nagtulak sa kanya na maghanap ng outlet para doon niya ibuhos ang lungkot at depresyon niya sa buhay kabilang na ang break-up nila ng ex-BF na si Tristan Encarnacion.
Wala siyang formal training sa pagpipinta pero last year ay nalaman niyang may talento rin pala siya sa pagpipinta. At karamihan nga sa mga artworks niya ay may kinalaman sa Diyos. Medyo dark ang style ni Ryza sa pagpipinta dahil ito raw talaga ang personality niya. Sa tulong daw ng isa niyang fan, unti-unti siyang naka-move on gamit ang kanyang materials sa pagpipinta. Iba’t ibang emosyon din ang tema ng kanyang art pieces.
“Actually sabay-sabay kasi yung mga na-feel ko that time kaya iba-iba yung emotion na lumabas sa mga painting ko. Du’n sa second batch, sobrang negative niya talaga. Ang mga title Delusion. Isa lang ang positive—yung Endless Joy,” kuwento pa ng aktres. Ang isa pa sa ugali ni Ryza ay hindi rin siya masyadong nagbubukas ng kanyang feelings sa ibang tao, kahit sa kanyang pamilya, “Hindi talaga ako palakuwento. Ayoko ng mga party. Hindi ako social na tao.
“Hangga’t kaya kong itago at kaya ko i-solve nang ako lang, isu-solve ko nang hindi ko sinasabi sa kanika dahil ayokong maging pabigat,” sey pa ng Kapuso star.Pero isa sa mga close niya sa showbiz ang talagang nakakakilala sa tunay niyang pagkatao, si Chynna Ortaleza.
“Kasi magkaano kami ng personality. Siya yung mas nakakaintindi sa akin. Nagsi-share din siya ng mga ganu’n din niyang moment. Sinasabi niya, ‘Kaya mo ‘yan. Challenge lang ‘yan. Pinapa-strong ka lang ni God,’” aniya pa.
Samantala, sa ngayon may mahigit 50 artworks na siya pero ilan pa lang ang naka-display sa Guevarra’s By Chef Laudico restaurant. Kaya kung gusto n’yong makakuha ng masterpiece ni Ryza punta na kayo sa Guevarra’s. You can also follow and like her artworj page RACS Online Gallery sa Facebook.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.