Pakiusap kay Duterte: Tama na ang pagmumura at ‘pagpatay’
HANGGANG ngayon ay patuloy pa rin sa pagbabanganyan ang ilan sa ating mga kababayan, lalo na ang mga anti at pro-Duterte.
Kahit nga ang mga kilalang celebrities natin ay nagkakasagutan dahil sa bagong halal na pangulo. Talagang nagsasagutan sila sa social media para lang idepensa ang kani-kanilang mga paniniwala sa pagpasok ng Duterte administration.
Sabi ko nga sa inyo kahapon, okay sa amin ang ilang mga batas na ipatutupad ni Duterte, partikular na ang pagkakaroon ng curfew for minors. As parents kasi, mas gusto namin ang masiguro ang kaligtasan ng aming mga anak. At kahit nga naninigarilyo kami, aprubado rin sa amin ang magkaroon ng designated areas para sa mga nagyoyosi. We even admire that idea para maproteksiyunan naman ang mga non-smokers.
Pero sabi ko nga, dapat alam din ni Duterte ang limits niya bilang bagong pangulo ng bansa.
Hindi naman puwede sa amin yung walang-wawa pa rin niyang pagmumura kahit on national TV. Lumalabas na hindi siya marunong sumunod sa batas.
Kasi, meron tayong panuntunang sinusunod sa KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas) na gumamit ng mga disenteng pananalita while on air. Kasi nga, our statements are so available for free sa mga inosenteng kabataan. Dapat ay matuto siyang maging makatao sa pananalita – hindi yung puro PUT*** IN* ang maririnig mo sa kaniya.
Tapos here comes his staunched supporters na dinidepensahan pa ang pagmumura niya na wala raw intensiyong masama.
Mga bobo ba kayo? Ano pa’t nag-aral tayo ng GMRC during our elementary days? We should be respectful not just to our elders but to everyone. We don’t use harsh language much more cursing and swearing because it is against the law of God and the law of the land. Abogado siya, di ba?
Aware naman siyang pag minura mo ang isang tao ay may kaakibat na asunto iyan. Slander or whatever – pero may kaso iyan. Eh kung kasuhan siya ng buong bansa for doing that, ano na naman kayang depensa ang gagawin nila for him? E kung murahin din namin siya, papayag ba siya?
That would be disrespectful of us. Pag siya puwede pero pag tayo bawal. Teka lang naman – where’s democracy there?
q q q
And you know, hindi naman namin sinasabing magpakasanto siya sa kaniyang kilos at galaw pero hindi naman kami natutuwa na ang uupong tatay ng bayan ay bastos ang bibig. Balahura magsalita. Yung panukala niya against drugs ay aprubado sa amin ng more than 100% pero dapat ilagay sa tamang perspective.
Ayaw namin ng bukambibig niya palagi na “patayin ninyo, sagot ko kayo” referring to suspected druglords. Yung puro patayan na lang nang patayan ang maririnig mo – instead of uniting the country, napipilitan tuloy mahati dahil sa hindi maingat na pananalita.
Kaya nakakawalang-gana ang katulad niya. Tapos hayan ang mga katulad nina kapatid na Arnell Ignacio at Robin Padilla na pinagtatanggol pa rin siya on these aspects instead of helping him know na mali ang ganoong istilo.
Sige, hintayin na lang nating tuparin niya ang mga ipinangako niyang magandang buhay sa bawat Pinoy. Hindi pa kasi nagsisimula bengga na siya agad nang bengga sa dating administrasyon. Parang gusto niyang ipamukha sa lahat that he is God’s gift from heaven. Na siya lang ang pinakamagaling – pinakamatino at pinakamatapang na tao sa mundo.
Tingnan nga natin kung uubra ang mga drama niya sa buhay on his own. Dami niyang pinangako – P2,000 dagdag sa buwanang pension ng mga retiradong SSS members; magandang sahod sa mga guro at pulisya; at kung anu-ano pa. Pero ang tanong, saang kamay ng Diyos niya kukunin ang budget? Di ba’t lubog tayo sa utang?
Iyon pala, dinig namin ay dadagdagan daw niya ang VAT, gagawin na raw 14% yata. Pag nagkataon, tataas tiyak ang mga presyo ng bilihin at ang ipinangako niyang mga benepisyo ay manggagaling din pala sa atin. The more na magugutom ang taumbayan niyan dahil ngayon ngang nasa 12% pa lang ang VAT ay hirap na tayong kumain, iyon pa kayang dadagdagan niya.
But you know, bilang mamamayan ay dapat nating sundin ang utos ng batas. Yung naaayon sa tamang batas ha – hindi yung ginagawa niyang sariling batas just to feed his ego. Let’s just hope and pray na mapaganda nga niya ang buhay ng taumbayan. Sa palagay ba niya, assigning leftists in many departments of the government would be of help? Let’s watch and see.
Yan kafatid na Arnelli at Binoe ang dapat ninyong ibinubukas sa utak ng mga tao, hindi yung bine-brainwash n’yo silang paniwalaing tama ang mali. Kaya mukhang matatagalan pa bago kita i-unblock – kailangang ma-realize mo munang may punto rin pala kami.
We are not here to criticize Duterte, o hiyain siya sa kanyang mga pinaggagagawa. We are just closely watching dahil karapatan natin bilang mga mamamayan ng Pilipinas ang protektahan ang ating mga karapatang pantao o kung anupaman. Hmp!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.