Mahigit 18,000 apektado ng ashfall sa Bulusan | Bandera

Mahigit 18,000 apektado ng ashfall sa Bulusan

- June 10, 2016 - 06:43 PM
mt-bulusan-0508 UMABOT na sa 18,575 katao na nakatira sa 19 na barangay ang apektado ng ashfall na ibinubuga ng Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Sinabi ni Luisito Mendoza Jr., head ng Casiguran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na tinatayang 15,000 mga residente ay nagmula sa  Inlagadian, Casay, Mabini, Tigbao, San Juan, San Antonio, San Isidro, Rizal, Tiris, Gogon, Central, Timbayog, Adovis at Colambis, sa  Casiguran.

Sa bayan ng Juban, tinatayang 3,575 katao mula sa Tughan, Cogon, Aroroy, Rangas at Añog ang apektado, ayon kay Lizpeth Nicolas, head ng Juban MDRRMO.

Sinabi pa ni Mendoza na halos kalahati sa mga residente ay binigyan ng face mask at mga tuwalya bilang proteksyon laban sa ashfall na bumagsak sa mga barangay.

Ganap na alas-11:35 ng umaga, nagbuga ang bulkan ng dalawang-kilometrong taas na abo na bumaba papunta sa hilagang kanlurana direksyon.

Hindi naman nagsagawa ng paglikas dahil manipis naman ang abo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending