Jail guard, 4 pa arestado; P5M halaga ng shabu nakumpiska sa Leyte | Bandera

Jail guard, 4 pa arestado; P5M halaga ng shabu nakumpiska sa Leyte

- June 10, 2016 - 04:01 PM

leyteINARESTO ng mga miyembro ng anti-narcotics agency ang isang provincial jail guard at kanyang apat na kasama matapos mahulihan ng aabot sa P5 milyong halaga ng shabu sa Leyte.

Nahuli si Renato Saratan, 44, jail guard sa Leyte sub-provincial jail sa Baybay City sa loob ng isang motel sa kalapit na bayan ng Palo.

Arestado rin ang girlfriend ni Saratan na si Evelyn Suarez, 35;  Caesar Quijano, 55; Ronilo Ruiz, 32; at Kevin Mark Kapas, 20.

Pansamantalang nakakulong ang lima sa opisina ng PDEA-8 habang hinihintay ang pagsasampa ng mga kasong illegal possession at selling of the illegal drugs.

Sinabi ni Rogelette Urgel, Philippine Drug Enforcement Agency Eastern Visayas information officer, na nanggaling ang mga suspek mula sa Southern Leyte at nag-check in sa  Borderline, isang motel na matatagpuan sa Barangay Pawing, Palo.

“There was surveillance conducted and there were reports that while they were at the Borderline, they were selling the prohibited drugs,” sabi ni Urgel.

Ganap na alas-6:30 ng umaga noong Huwebes, nagpanggap ang mga ahente ng PDEA na mga buyer at bumili ng shabu mula kay Saratan.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, na tumitimbang ng 623 gramo at nagkakahalaga ng tinatayang P4.98 milyon.

Ito na ang pinakamalaking droga na nakumpiska sa Leyte ngayong taon. Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending