PATAy ang tatlong pinaghihinalaang drug pusher, samantalang arestado naman ang 48 iba pa matapos ang isinagawang magkakasunod na operasyon sa iba’t ibang bayan sa Bulacan Huwebes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Albert Roy Santos at Reniel Santos, na nasawi matapos makipagbarilan sa mga pulis habang isinisilbi ang search warrant ganap na alas-8:20 ng gabi sa Barangay Tigpalas, samantalang nasawi rin si Alvin Ramos Gonzales dahil sa mga tama ng bala sa hiwalay na operasyon sa kaparehong bayan ganap na alas-12:40 ng hapon, ayon kay Senior Supt. Romeo Caramat Jr., Bulacan police director.
Nakumpiska rin ng mga pulis ang 170 piraso ng sachet ng shabu, anim na mga sandata at apat na motorsiklo na pawang walang plate number. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.