50 kriminal ibibigti kada linggo – Duterte
NAIS ni President-elect Rodrigo Duterte na 50 kriminal ang bitayin kada buwan at gawin ang pagpatay sa pamamagitan ng pagbigti.
Sinabi ni Quezon Rep. Danilo Suarez na ito ang hiniling ni Duterte sa 18 kongresista na kanyang ki-nausap kasama si incoming House Speaker Pantaleon Alvarez.
Kasama sa pagpupulong noong Martes sa Davao sina outgoing Speaker Feliciano Belmonte Jr., Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. at Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas na sinasabing magiging House majority leader ng 17th Congress.
Ipinanukala ni Suarez na firing squad na lamang ang gamitin, subalit mas gusto ni Duterte ng bigti. “Parang mas gusto niya ‘yung nagkakakawag pa”.
Sabi niya, palagay ko naman kung magbibitay tayo ng mga 50 kada buwan o linggo-linggo, parang ganoon, madala na iyang mga ‘yan,” ani Suarez.
Ang parusang kamatayan ay ibinasura noong 2006 sa ilalim ng Arroyo administration. Huling nagamit ang bitay noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Samantala, nag-alok si Duterte ng P5.5 milyon pabuya sa kada drug lord na mapapatay sa Cebu.
Ang alok ni Duterte ay 100 beses na mas mataas kumpara sa P50,000 na iniaalok ni Cebu City Mayor-elect Tomas Osmeña para sa mapapatay na pinanghihinalaang sangkot sa droga.
“Ang sa Cebu kay buotan man ang mga tao diri. May premium P5,500,000. (Those who live in Cebu are good people. There is a premium, P5,500,000),” ani Duterte sa thanksgiving party sa Cebu Country Club sa Cebu City.
Idinagdag niya na ang kanyang alok ay isang bahagi ng kanyang pakiusap sa mga drug lord na tigilan na ang kanilang ginagawa.
“It’s really the plea. Akong hangyo (My request). Stop it. Stop it. Para walay samok (so there would be no trouble). I plead for you to stop and we will be alright. Wala tayong problema,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.