CPR ituturo na sa mga bata sa elementarya | Bandera

CPR ituturo na sa mga bata sa elementarya

Leifbilly Begas - June 10, 2016 - 02:02 PM
BAGO magsara ang 16th Congress, naaprubahan ng mga mambabatas ang panukala upang mabigyan ng CPR training ang mga estudyante sa elementarya.      Noong Disyembre naaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukalang House bill 6204 (An Act Requiring Basic Education Students to Undergo Cardiopulmonary Resuscitation Training) at naipasa naman ng Senado ang “Basic Life Support Training in Schools Act” noong Mayo 23.       Tinanggap ng Kamara ang bersyon ng Senado kaya hindi na kinailangan na dumaan pa ito sa bicameral conference committee at ipadadala na ng deretso sa Malacanang para sa lagda ng pangulo.      Sa ilalim ng panukala kailangang turuan ang mga elementary student ng CPR sa pribado man o pampublikong paaralan ito pumapasok.      Ang programa para rito ay bubuuhin ng Philippine Heart Association at Philippine National Red Cross.      Ipapasok naman ito sa comprehensive health and physical education curriculum ng mga paaralan.      Hindi ang mga guro ang magbibigay ng CPR training kundi ang Department of Health at mga accredited nitong non-government organizations.      Exempted naman sa pagsasanay ang mga estudyante na mayroong kapansanang pisikal at mental.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending