Age doesn't matter | Bandera

Age doesn’t matter

|June 09,2016
facebook
share this

Age doesn’t matter

- June 09, 2016 - 12:10 AM

PIRMA na lang ni Pangulong Aquino ang kulang at ganap na batas na ang kapapasa pa lamang sa Kongreso na Anti-Age Discrimination Law na talaga namang pakikinabangan ng mga kababayan natin na may edad na na nais makahanap ng maayos at disenteng trabaho.

Dahil inaprubahan ng Senado ang bersyon ng panukala ng Kamara na magbabawal sa mga employer na magpatupad ng arbitrary age limitation sa mga nag-aaplay ng trabaho, kung kayat hindi na kailangan pang idaan ito sa bicameral conference.

Tanging pirma na lang ni Pangulong Aquino, o hayaan na lang na otomatiko itong maging ganap na batas sa loob ng 30 araw, at hindi na talaga uubra ang nakagawiang age discrimination ng mga employer para sa mga nag-aaplay sa kanila ng trabaho.

Ayon kay Senador Pia Cayetano,ang principal author ng batas, dapat nang putulin ang ganitong uri ng diskriminasyon kung tapat nga ang estado sa pagsusulong ng pantay na oportunidad para sa lahat na nais na makapagtrabaho, ayon na rin sa paggagarantiya sa atin ng Konstitusyon.

Kung bakit nga ba naman sa mga job announcement, sa mga job fair, ay laging nakaakibat ang age requirement para sa mga magsisipag-aplay ng trabaho. Ang masaklap pa nito ay maging ang mga ahensiya ng pamahalaan ay isa sa mga lantarang sumasang-ayon sa ganitong kalakaran.

Hindi edad ang dapat maging isa sa mga rekititos para ang isang indibidwal ay makahanap at mabigyan ng maayos at disenteng trabaho, kundi ang kanyang kapasidad o kakayanan na gawin ang trabahong iaatang sa kanya.

Kaya nga sa sandaling mapatupad ang batas, hindi na kailangan pang ideklara ng isang aplikante ang kanyang edad para makapag-aplay ng trabaho. At sa sandaling maipasa na ito, ganap na ganap na masasabi ng ating mga kababayan na may edad na “age doesn’t really matter in love and work.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending