Isalvage, pulis na nagpa-planting | Bandera

Isalvage, pulis na nagpa-planting

Ramon Tulfo - June 09, 2016 - 12:10 AM

MAHIHIYA ang incoming customs commissioner na si Nicanor Faeldon na utusan ang incoming chief ng customs intelligence na si Juancho Sabban.

Mukhang hindi na-
bigyan ng magandang payo si Mano Digong sa pagpili ng mga opisyal sa kanyang Bureau of Customs.

Si Faeldon ay captain ng Philippine Marines na sinipa sa serbisyo dahil sa kanyang pagsali sa Oakwood Mutiny noong 2003, samantalang si Sabban ay Marine major general nang siya’y magretiro noong 2014.

Dishonorably discharged si Faeldon sa Armed Forces, samantalang si Sabban ay nagretiro na may dangal.

Pumasok si Faeldon sa military service bilang third class trainee noong 1989, samantalang si Sabban ay nagtapos sa Philippine Military Academy noong 1978.

Malawak ang layo ng ranggo—at maging sa behavior—nina Faeldon at Sabban noong sila ay nasa serbisyo pa.

Ngayon, naiba na ang ihip ng hangin; nabaligtad na ang mundo, ‘ika nga.

Si Sabban ay sasaludo na kay Faeldon.

Ganoon talaga ang buhay.

Isang babaeng customs employee, na natapon sa “freezer” sa Department of Finance dahil sa korapsyon, ay nag-aaplay sa isang key position sa Bureau of Customs.

Alam ba ninyo ang kanyang sinabi sa search committee ni President-elect Digong?
Malaking mapapaki-nabang sa kanya dahil ituturo niya ang mga corrupt na mga opisyal at kawani ng customs bureau.

Yan ang gawain niya noon pa.

Isinusumbong niya ang mga tiwaling gawain ng kanyang mga kasamahan, pero di niya sinasabi ang kanyang mga tiwaling gawain.

Mas korap pa ang babaeng ito kesa doon sa kanyang mga isinusumbong.

Dumideretso siya sa secretary of finance noon—hindi ang kasalukuyang finance secretary—upang isumbong ang kanyang mga kabaro.

Di nagtagal ay nagkaroon siya ng relasyon sa finance secretary.

Maraming pinapatay ng mga pulis na mga pinaghihinalaang drug pusher at drug lord.

Ang tanong: Bakit ngayon lang, matapos na magpahayag si Mano Digong na lilipulin niya ang mga nagtitinda ng ilegal na droga kapag siya’y naupo na?

Simple lang ang sagot diyan, mga pare ko: Karamihan ng mga pinatay ay mga bata-bata ng mga pulis.

Ang mga pulis na nagpoprotekta sa mga drug pushers at drug dealers ay siyang tomodas mismo sa mga ito.

Ito’y upang hindi na sila kumanta pagdating ni Digong.
Dead men tell no tale, ‘ika nga.
Dapat ay todasin din ng administrasyon ni Mano Digong ang mga pulis na nagpa-“planting” ng droga sa mga inosenteng mamamayan.

Ang modus operandi kasi ng mga pulis na gustong kumita agad ng malaking pera ay “tamnan” ng shabu o ibang ipinagbabawal na gamot sa isang inosenteng mamamayan.

Walang magawa ang pobreng biktima kundi makipag-ayos sa mga walang pusong mga pulis.

May batas na nagpa-pataw ng parusang kamatayan sa mga pulis at ibang alagad ng batas na nagtatanim ng droga sa mga taong walang kasalanan.

Ang parusang kamatayan ay inalis na, pero binubuhay ito ni Mano Digong.

Kapag naibalik ang death penalty, ang mga pulis na nagpaplanting ay dapat ilagay sa kategorya ng mga drug pushers at drug dealers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin, kapag ang mga drug pushers at drug dealers ay sinasalvage, dapat ay isalvage na rin ang mga pulis na nagpaplanting.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending