Aktres halos mamatay na sa pagtatrabaho; mister palamunin
MARAMING katrabaho niya ang naaawa sa isang female personality ng telebisyon na hindi sinuwerteng makatagpo ng lalaking bubuhay sa kanya. Sa halip ay siya pa yata ang bumubuhay sa kanyang mister.
Palaging nakaharap sa mga camera ng telebisyon ang female personality, halos hindi na natutulog, samantalang ang kanyang mister naman ay palaging natutulog lang at naghihintay ng biyaya. Nagkaroon ng boyfriend na kilalang-kilala ang babaeng personalidad, nagtagal din sila, pero dahil sa pagiging playboy ng lalaki at ilang ulit niya itong nahuling may ibang babae ay nakipaghiwalay siya.
Pagkatapos nang ilang taon ay napabalitang may nakilala siyang Pinoy na matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa ibang bansa, naging magkarelasyon sila, sa ibang bansa rin sila nagpakasal. Kaso, napakatamad pala ng lalaking napili niyang pakasalan, mabigat ang katawan nito, hanggang porma lang pero may pagkabatugan.
“Nakakaawa naman si ____ (pangalan ng female personality), halos sa network na siya nakatira, ang dami-dami kasi niyang trabaho. ‘Yung mister naman niya, e, nasa bahay lang, nagpapalaki ng kung ano niya! “Matiisin ang babaeng ‘yun, nagtitiyaga siya sa buhay na ibinigay sa kanya ng lalaki. Instead nga na siya ang buhayin, e, siya pa yata ang bumubuhay sa asawa niya,” kuwento ng aming source.
Isang araw ay baka hindi na makatiis ang female personality, baka tapusin niya na rin ang kanyang mga sakripisyo, mangangailangan siya ng mga abogado para wakasan na ang kanyang paghihirap. Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo siya, isa siyang maganda at matiising kapatid na matagal nang may pinagdadaanan pero never siyang nagreklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.