Claudine inoperahan sa kaliwang binti; pamilya humingi ng dasal | Bandera

Claudine inoperahan sa kaliwang binti; pamilya humingi ng dasal

Ervin Santiago - June 08, 2016 - 05:21 PM
claudine barretto TATLONG beses nang nako-confine sa ospital si Claudine Barretto sa loob lang ng dalawang buwan. Mismong ang aktres ang nagbalita sa mga followers niya sa social media na muli siyang isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig kamakailan. Sa isang selfie video na ipinost niya sa kanyang Instagram account, sinabi ni Claudine na kailangan na siyang operahan. Aniya, “Hi guys! O.R. [operating room] here we go. Bye!” Ngunit walang sinabi ang aktres kung ano ang tunay niyang karamdaman. Sa isang photo na ipinost niya sa IG kung saan kasama niya ang kanyang pamangkin na si Cholo Barretto, makikita ang tila bloated niyang mukha. Kahapon, naglabas ng official statement ang kampo ni Claudine sa pamamagitan ni Cholo Barretto, at aniya, may koneksiyon sa dugo ang sakit ng aktres. “Her white blood cells are very high & her red blood cells are extremely low. Which is why she is vulnerable and prone to infection,” ani Cholo. Ito raw ang rason kung bakit kailangang operahan sa kaliwang binti si Claudine. Dagdag pa ng aktor, “We would like to thank everyone for respecting our family’s privacy and for the love, most especially to her Claudinians and Palanggas. We would appreciate your continued prayers for her full recovery. Maraming salamat po.” Noong nakaraang buwan, eksaktong Mother’s Day ay dinala rin sa ospital si Claudine at na-confine ng ilang araw. Natuwa naman ang estranged wife ni Raymart Santiago dahil napakaraming nagsabi na ipagdarasal ang kaniyang paggaling.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending