Estudyante nagpanggap bilang Maricel Laxa-Pangilinan
INARESTO ang isang babaeng estudyante sa kolehiyo ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) matapos magpanggap bilang Maricel Laxa-Pangilinan at kanyang mga anak para makakikil ng pera mula sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak.
Sa isang press conference, sinabi ni PNP ACG Director PSSupt Guillermo Lorenzo Eleazar na naaresto ang suspek na si Myca Acobo Aranda, matapos niyang i-withdraw ang P5,000 ipinadala ng isang kaibigan ni Laxa-Pangilinan.
Sinabi ng mister ni Maricel na si Anthony Pangilinan, na nakumbinsi ni Aranda ang Facebook user na si Suzette para magpadala ng P5,000 gamit ang pekeng account.
Idinahilan umano ni Aranda kay Suzette na gagamitin ang pera para sa outreach program ng kanyang mga anak na babae sa Cordillera. Ipinadala sa LBC ang pera.
Idinagdag pa ni Eleazar na bukod kay Aranda, nag-solicit din ng pera sa iba pang mga kaibigan at kamag-anak ng mag-asawang celebrity.
Ginawa ang pag-aresto matapos ang kooperasyon mula sa mga biktima, empleyado ng Smart Padala at mga otoridad.
Sinabi ni Eleazar na si kumukuha si Aranda ng Information Technology sa King’s College of the Philippines.
Kakasuhan ang suspek ng Identity Theft, Child Abuse at Swinding/Estafa).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.